Sinabi ni dating presidential spokesperson Salvador “Sal” Panelo na pupunta sila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa bukas, Nobyembre 13, sa kabila ng pagkansela ng quad committee hearing.
“PRRD and I will go to Batasang Pambansa tomorrow at 10:00AM and confront the Quad Committee members why after demanding his presence and accepting their invitation and coming here last night, they will just cancel it without prior notice,” ayon kay Panelo.
Sa ginanap na press conference sa Kamara ngayong Martes, nilinaw ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers na nitong Linggo pa lamang ay nagpasya na ang joint panel na kanselahin ang pagdinig bukas at ire-schedule ito sa Nobyembre 21.
Dinagdag pa ni Barbers na pormal lang inanunsiyo ng joint committees ang pagkansela sa hearing sa Nobyembre 13 nitong Lunes.
Sinabi ni Martin Delgra, abogado ng dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nakarating na si Digong sa Manila noong gabi ng Lunes, Nobyembre 11, bago pa niya natanggap ang abiso na kinansela ang House quad committee hearing para bukas, Nobyembre 13.