Kinokonsidera nina DILG Secretary Benhur Abalos at PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na magtungo sa Indonesia ngayong Miyerkules, Setyembre 4 ng hapon para ayusin ang mga dokumento ng sinibak na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo upang maibalik agad ito sa Pilipinas.

Ito ay inihayag ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo matapos makumpirma nina Abalos at Marbil ang pagkakaaresto kay Alice Guo sa Tangerang City, Indonesia.

Sinabu ni Fajardo na may umiiral na memorandum of understanding sa pagitan ng PNP at Indonesian National Police (PNP) hinggil sa pagtutulungan laban sa transnational crimes at pagpapalitan ng intelligence information tungkol sa mga organized crime groups na naging dahilan sa pagkakadampot kay Guo at kapatid nitong si Shiela Guo at kasosyong si Cassandra Li Ong.

Samantala, naniniwala ang mga awtoridad na posibleng maipatapon pabalik ng bansa si Alice Guo kundi bukas ay sa Biyernes upang haraping ang mga isyung ipinupukol sa kanya na may kaugnayan sa illegal Philippine offshore gaming operations (POGO) sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *