Ibinunyag ni Sen. Risa Hontiveros na nakalabas na ng bansa ang sinibak na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo noong gabi ng Hulyo 17 at dumating sa Kuala Lumpur, Malaysia alas-12:17 ng hapon sa susunod na araw.

“I have already received information that, in fact, this person (Alice Guo) is already out of the country on July 18, 2024 to Kuala Lumpur, Malaysia,” sabi ni Hontiveros.

Mula sa Malaysia, nagtungo si Guo sa Singapore kung saan siya tinagpo ng kanyang mga magulang at kapati.d

Ipinakita ni Hontiveros ang isang dokumento na nag-match sa pasaporte na ginamit diumano ni Guo sa kanyang pagsibat mula sa Pilipinas.

Ito ay sa kabila ng deklarasyon ng Bureau of Immigration na inilagay na si Guo sa travel bulletin lookout at susubaybayan ang galaw nito sakaling magtatangkang umalis ng Pilipinas.

Si Guo ay pinaghahanap ng mga awtoridad base sa arrest order ng inilabas ng Senate Committee on Women na pinamumunuan ni Hontiveros dahil sa kabiguan nitong dumalo sa mga pagdinig ng Mataas na Kapulungan.