Kinuwestiyon ng isang think tank ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na inipit ng gobyernong Marcos ang pondo para sa flood control project sa Davao City dahil, aniya, nakumpleto ang master plan para sa proyekto noong lamang Hulyo 2023.

“The vice president’s recent tirades on flood control don’t hold water. At best, we can rate her statement as missing essential context,” nakasaad sa statement ni Infrawatch PH convenor Terry Ridon.

Ayon kay Terry Ridon, convenor ng Infrawatch PH, humingi ng tulong sa Japan ang nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbabalangkas ng isang master plan noong 2917 subalit ito ay nakumpleto noong lamang 2023.

Giit pa ni Ridon na hindi dapat ito angkinin ng kanyang ama dahil tapos na ang kanyang termino nang ito ay naisakatuparan.

“It is wrong for VP Duterte to say that the Davao City master plan was formulated under her father’s term. Sure, the review began under her father, but it was finished just last year. She is characteristically rushing something that costs billions of pesos to construct–with funding coming from foreign loans at that,” dagdag pa ni Ridon.