Binigyang-parangal ng House of Representatives, sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez, ang 35 dating opisyal at empleyado sa Batasan Pambansa Complex na nagretiro sa serbisyo sa pagitan ng Disyembre 2023 hanggang Hunyo 2024.
Nagbigay ng mensahe ng pagbati at pagpupuri si Romualdez, sa pamamagitan ni Secretary General Reginal Velasco, sa mga dating opisyal at empleyado na ilang dekadang naglingkod sa Kamara de Representantes.
“You have spent most, if not all, of your productive years working at the House… The House has been your second home these many years,” mensahe ni Romualdez.
Hinikayat ng House leader ang mga retirado “[to] look forward to the bright, new adventures ahead of you free from all the administrative constraints of government work.”
Kasabay nito, tiniyak ni Romualdez na magpapatuloy ang suporta ng Kamara sa plano para sa hinaharap ng mga retiradong kawani.
“Go with our blessings. From time to time visit your co-workers here and reminisce on the good times. Know that the House of Representatives will continue to support you in your endeavors,” dagdag pang mensahe ni Romualdez.