Inihayag ng Sonshine Media Network Inc. (SMNI) ngayong Biyernes, Marso 8, ang pagkakatalaga kay dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang administrator ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na itinatag ni Apollo Quiboloy.

Ang pagkakatalaga kay former President Rodrigo Duterte bilang tagapamahala ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ay inanunsiyo ng SMNI sa social media.

Ito ay matapos maglabas ng warrant of arrest ang US Justice Department – Criminal Division ng warrant of arrest laban sa KOJC founder na nahaharap na patung-patong na kaso tulad ng child abuse, human trafficking at smuggling of cash sa Amerika.

Bukod dito, iniimbestigahan din si Quiboloy ng Senado at Kamara hinggil sa mga alegasyon na ipinupukol sa kanya at kanyang malalapit na tauhan matapos lumantad ang ilang dating KOJC members at isiniwalat ang kanyang mga diumano’y ilegal na gawain.

Hindi pa naman naglalabas ng pahayag hinggil dito ang kampo ni Duterte hinggil sa anunsiyo ng SMNI.