Umani ng samu’t saring reaksyon ng mga netizen ang isang Facebook post ng Travelosyo matapos mahuli ang isang lalaki na naninigarilyo sa isang flight mula Manila patungong Iloilo.

Ayon sa kay Travelosyo ay natutulog daw ito noong narinig niya ang emergency alarm. Matapos ang ilang minuto ay biglang nagsalita ang piloto ng eroplano: “To someone inside the front lavatory you’re not allowed to smoke, you’re jeopardizing the safety of this flight. You will be sent to the police once we landed at Iloilo Airport.”

Tumugon naman ang mga cabin crew at in-escort pabalik sa kanyang upuan at kinausap ito. Mabilis naman na umaksyon ang mga pulis at security guard pagkalapag ng eroplano at sinundo and lalaki.

“So the one who did it was around mid 20s na guy. Pigilan nyo yung pangangati nyo mag smoke or mag vape sa plane. If im not mistaken its up P20,000 penalty plus possibility of lifetime banned sa airline,” pagpapaalala ni Travelosyo sa publiko.

Ulat ni Erika May Lagat (Intern)