“Pasensiya na po kung ako ay nakapagsalita nang ganun. I did not mean it,” ani Sen. Rodante Marcoleta.
Humingi ng paumanhin sa media practitioners si Sen. Rodante Marcoleta matapos niyang sabihang “bayaran” ang mga mamamahayag na nagko-cover ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong Huwebes, Hunyo 4.
“Ito ay dahil sa frustration ko sa nangyari at sa nangyayari po na nakikita ko. Ang gusto ko po makatulong kayong lahat para [sa] katotohanan,” giit ni Marcoleta.
Aniya pa, hindi umano siya nabanggit sa ilang articles mula sa media organizations na nag-cover ng rally ng Iglesis Ni Cristo noong July 2025.
Nauna namang kinondena ng Senate media ang naging pahayag ni Marcoleta: “Journalists should never be dragged into the rivalries, feuds, or power struggles of political figures.”
