Malaki ang tiyansang magpatawag ng special session ng Kongreso si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kabila ng sine die adjournment kung hihilingin ito ni Acting Senate President Sherwin Gatchalian, sinabi ng Malacañang ngayong Huwebes, Hunyo 4.
“Inclined ang Presidente to give in to the… request for a special session. Bakit? Kasi kung maraming maantala dahil sa nangyayaring ganitong kaganapan,” ani Castro.
Sa isang press briefing, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na kinikilala ng Malacañang ang liderato ni Gatchalian at tanging mga mensahe lamang mula sa bagong liderato ng Senado ang tatanggapin ng Palasyo.
Gayunman, nilinaw ni Castro na kinakailangang may sapat at valid na batayan ang anumang kahilingan para sa special session.
Nauna nang sinabi ni Gatchalian na pinag-aaralan ng Senado ang posibilidad ng special session upang matugunan ang mga usaping hindi natalakay dahil sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ng Mataas na Kapulungan sa nakalipas na mga linggo.
