“Due process allows us to seek legal remedies. We will exert all available legal avenues to pursue justice for our child. Hindi pa po dito nagtatapos ang laban,” saad ni Quezon City 5th District Councilor Alfred Vargas.

Nanindigan si Quezon City 5th District Councilor Alfred Vargas na hindi pa sila sumusuko ng kanyang asawang si Yasmine kasunod ng desisyon ng Office of the City Prosecutor of Manila na ibasura ang kasong isinampa nila laban sa mga magulang ng bata na nam-bully umano sa kanilang anak.

Nag-ugat ang pagdedemanda ng mag-asawang Vargas sa umano’y pambu-bully na naranasan ng kanilang anak sa isang swim club, kung saan itinulak at ipinailalim umano sa sa tubig ang bata.

Bumuhos naman ang suporta ng netizens sa pamilya at tinitiyak na ipagdarasal ang katarungan para sa kanilang anak.