Naghain ng mosyon ang kampo ni Sen. Jinggoy Estrada upang ipawalang-bisa ang warrant of arrest laban sa senador kaugnay ng kinahaharap nitong mga kasong plunder at graft na may kaugnayan sa maanomalyang flood control projects.
Ayon sa Office of the Ombudsman, na siyang nagsampa ng naturang mga kaso kay Estrada, umabot sa mahigit ₱573 milyon ang “illicit payouts” na sistematikong naihatid sa senador.
Samantala, inihayag ni Estrada na maghahain siya ng piyansa sa Sandiganbayan Second Division na humahawak sa kaniyang graft case ngayong Biyernes, Mayo 29.
Gayunpaman, nahaharap din ang senador sa kasong plunder na isang non-bailable offense.
