Pinatatanggal ni Sen. Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri sa records ng Senado ang iprinisintang video ni Sen. Imee Marcos na nagdidiin sa minority group na nasa likod diumano sa pagsusulong ng charter change (cha-cha) o pagbabago ng Konstitusyon upang mapalawig ang termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at iba pang opisyal ng pamahalaan.

Sinabi ni Zubiri na ang iprinisintang video diumano ni Sen. Imee ay isang propaganda tool na may layuning sirain ang kredibilidad ng mga nasa minorya.

Ani Zubiri, wala ni isang ebidensiyang na iprisinta si Sen. Imee na magpapatibay sa kanyang paratang tungkol sa “cha-cha.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *