Binatikos ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang ilang grupo at indibidwal na pilit na hinahaluan ng isyung pulitikal ang nakaambang pag-aresto kay Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa para lamang himukin ang taumbayan na makisimpatya sa kanila at mag-alsa laban sa gobyerno.

“Tama lang naman na i-promote mo ‘yung political preference mo but you don’t encourage people (to act) against the government,” pahayag ni Matibag.

“Hindi namin tinitingnan dito ‘yung political color nung personality, ‘yung emotions…kung ano ‘yung (nakasaad sa) batas, we follow the procedures,” pahayag ni Matibag sa ginanap na press conference ngayong Biyernes, Mayo 22.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *