“Sa amin po sa simbahan ay hindi matatawaran ang aming pananabik na malaman mismo sa bibig ng ating Pangalawang Pangulo ang katotohanan hinggil sa mga samot-saring katanungan sa kanya,” saad ni Aglipayan Church Bishop Alvin Valera.
Nanawagan si Aglipayan Church Bishop Alvin Valera kay Vice President Sara Duterte na sumipot sa huling impeachment hearing ng House Committee on Justice sa Miyerkules, Abril 29, at sagutin ang mga alegasyon laban sa kaniya.
Sa isang news conference sa Kamara, sinabi ni Valera na nais marinig ng Simbahan mula mismo kay VP Sara ang katotohanan kaugnay ng mga isyung kinahaharap nito.
Dagdag pa niya, kung walang itinatago ang isang opisyal, wala umano itong dapat ikatakot at dapat nitong patunayan na mali ang mga paratang laban sa kaniya.
