Ipinasasauli ng Commission on Audit (COA) kay Vice President Sara Duterte at sa ilan pang opisyal ng Office of the Vice President (OVP) ang ₱73,287,000 halaga ng confidential funds na naisyuhan ng notice of disallowance.
Ito ay matapos tanggihan ng COA ang apela nina VP Sara, OVP Special Disbursement Officer Gina Acosta, at Chief Accountant Julieta Villadelrey kaugnay ng mga confidential expense ng OVP para sa nasabing panahon.
“Sa mata ng COA, ‘yung mga pondong ‘yon, mga confidential funds na ‘yon, ay dapat ibabalik ng mga nabanggit niyong opisyal beginning with Vice President Duterte and the others that you mentioned, dahil nga walang naging basehan sa kanilang naging paggamit,” saad ni Akbayan Rep. Chel Diokno sa ginanap na pagdinig ng House Committee of Justice nitong Martes, Abril 14.
