Sa supplemental affidavit na binasa ni Ramil Madriaga sa pagpapatuloy ng impeachment proceedings ng House Committee on Justice ngayong Martes, Abril 14, sinabi niyang nagbigay ng P175 milyon si Lin Wei Xiong, financial officer ng Pharmally, sa campaign activities para sa noon ay planong pagkandidato ni Vice President Sara Duterte sa pagkapangulo sa 2022 elections.
“Aside from Lin Wei Xiong and Maestrado Lim, I also remembered that Michael Yang, a very close friend of PRRD who was frequently in Malacanang, also provided financial support to ISIP,” sabi ni Madriaga.
Nang kapusin na ang pondo, inutusan umano ni dating pangulong Rodrigo Duterte si Madriaga na kumuha ng P100 milyon mula naman kay Maestrado ‘Tanda’ Lim sa BGC, Taguig City.
Sinabi ni Madriaga na bukod kima Lin at Lim, nagkaloob din umano ng “financial support” sa kandidatura ni VP Sara si Michael Yang, naging presidential economic adviser sa Duterte administration.
