Para patunayang nasa mabuting lagay ang kanyang kalusugan, nagpasiklab si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa media ngayong Lunes, Abril 13, sa pamamagitan ng pagja-jumping jack.
Hinamon din ng Pangulo ang mga nagpapakalat ng balitang siya ay may malubhang sakit na sumama sa kaniyang mag-ehersisyo at magtungo sa gym.
“Tignan natin kung sinong mas malakas magbuhat ng weights,” sabi ni Marcos Jr.
“And once again, I think it’s very easy and very clear that I’m in very, very good health… The last time that I went to the hospital was to have my CT scan to show that my diverticulitis ko ay gumaling na, 3 and a half months ago,” dagdag ng Pangulo.
Ulat ni Bea Tanierla
