Opisyal nang itinalaga si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte bilang bagong Party President ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) sa ginanap na National Council Meeting ng partido noong Sabado, Abril 11.

Sa isang social media post, ibinahagi ni Sen. Bong Go na ang pagkakatalaga kay Mayor Baste bilang pangulo ng PDP ay hudyat ng malaking pagbabago sa liderato ng partido.

Bago ang pagbabagong ito, si Sen. Robin Padilla ang huling humawak sa nasabing posisyon noong Hunyo 2024, ngunit bumaba sa pwesto noong 2025 para magpokus sa mga tungkulin sa Senado.

Samantala, nananatili namang chairman ng partido si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang nakakulong sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.