Nangangalap na ng ebidensya ang Malacañang para sampahan ng kaukulang reklamo ang mga indibidwal na nagpapakalat ng “fake news” sa social media hinggil sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez.
“‘Yung nagpapakalat on the health of PBBM, we’re collecting na all pieces of evidence and will initiate a complaint with the DOJ hopefully next week,” saad ni Gomez.
Sa isang anunsyo ngayong Miyerkules, Abril 8, sinabi ni Gomez na target nilang mailapit ang nasabing reklamo sa Department of Justice (DOJ) sa susunod na linggo.
Tinutukoy na rin umano ang mga nasa likod ng mga mapanlinlang na impormasyon na naglalayong maghasik ng kalituhan sa publiko tungkol sa tunay na kalagayan ng Pangulo.
Ulat ni Julian Katrina Bartolome
