Mas titindi pa ang pag-atake ng Amerika sa Iran ng “20 times harder” kung ipagpapatuloy ng huli ang oil blockade o pagharang sa suplay ng langis sa Strait of Hormuz, ayon kay US President Donald Trump.

“If Iran does anything that stops the flow of Oil within the Strait of Hormuz, they will be hit by the United States of America 20 TIMES HARDER than they have been hit thus far,” saad ni US President Donald Trump.

Kasunod ito ng anunsyo ng Revolutionary Guards ng Iran na hindi nila papayagang makalabas sa Middle East ang kahit “one liter of oil” hangga’t hindi tumitigil ang atake ng Israel at US.

Layunin ng Israel na patalsikin ang pamahalaan ng Iran, habang ang US naman ay gustong sirain ang mga missile at nuclear program nito.

Samantala, nanindigan si Trump na matatapos lang ang gulo kung susunod ang Iran sa kanila.

Tinatayang nasa 1,332 Iranian civilians na ang nas@wi habang libu-libo ang sugatan mula nang umatake ang US at Israel sa bansa noong katapusan ng Pebrero. (via Ansherina Baes)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *