Bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong Miyerkules, Pebrero 25, naglabas ng pahayag ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
“Today, the country continues to struggle with persistent social problems hat weaken both public life and personal conscience. These can be summarized in what many now call the five ‘Ks’,” pahayag ng CBCP.
Sa naturang pahayag, sinabi nila na ang mga problemang kinakaharap ng Pilipinas ngayon “can be summarized” sa limang K:
KORAPSYON na sumusira sa tiwala at nagnanakaw ng resources na dapat ay para sa mahihirap;
KAHIRAPAN na patuloy na nagpapahirap sa milyon-milyong pamilya sa kabila ng marangal at legal na pagtatrabaho;
KRIMINALIDAD na bumubuo ng takot sa mga komunidad at kawalan ng seguridad sa araw-araw;
KASINUNGALINGAN na nagbabago sa katotohanan at binabalewala ang demokrasya; at
KATAKSILAN na inuuna ang personal o foreign na interest kaysa pagmamahal sa bayan.
“These realities have bred frustration and cynicism. Many people quietly say, ‘wala namang nangyayari’…Yet faith challenges this resignation,” saad ng CBCP.
“History—and the Gospel—teach that lasting change begins not only with systems and leaders, but with formed consciences and converted hearts,” dagdag nito.
Ulat ni Ansherina Baes
