Sablay para sa political commentator na si Atty. Jesus Falcis ang timeline ng pagbubunyag ng 18 na umano’y dating miyembro ng Philippine Marines na namahagi umano ang mga ito ng male-maleta ng pera sa ilang pulitiko at personalidad, kabilang si Mamamayang Liberal party-list Rep. Leila de Lima.

“Binigyan daw ng ‘18 Marines’ si Leila De Lima ng millions in maleta sometime 2022-2025… Eh nakakulong pa si De Lima until Nov. 2023 and naging congresswoman lang sya last year. Bat naman sya bibigyan ng maleta? Wow mali!” anang Falcis.

Sa panahong namahagi umano ng pera ang mga dating sundalo, nakakulong pa si De Lima sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City dahil sa patung-patong na drug cases—na pawang ibinasura ng korte—hanggang sa payagang makapagpiyansa at makalaya noong Nobyembre 2023.

“And she was not part of the Congress that approved the 2025 budget – so bakit sya bibigyan ng millions in maleta?!” nagtataka pang usisa ni Falcis.

“Garapalan na talaga ang pagsisinungaling ng mga DDS!” dagdag niya.

Biro namang komento ni Gary Alejano, retiradong militar at miyembro ng Magdalo: “Binigyan siya maleta para makapag impake ng gamit kasi lalabas na ng kulungan. Walang pera ang pinadalang maleta.”

Si Alejano ay kasama sa Magdalo ni former senator Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV—na kasama rin sa mga binanggit ng mga dating sundalo na pinag-abutan umano nila ng pera pambayad naman umano sa mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kas oni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *