Ilang oras lamang ang lumipas nang magdeklara si Vice President Sara Duterte na tumakbo sa pagkapangulo sa 2028 elections, lantaran na ring nagsabi si Sen. Imee Marcos ng kanyang pagsuporta sa presidential ambition nito.

“Taglay niya ang TAPAT at MALASAKIT ng kanyang ama habang bitbit ang karanasan sa pagtulong sa maralita, mga nangangailangan at pinagmalupitan,” pahayag ni Sen. Imee.

Naniniwala rin si Sen. Imee na dinadaga na ang mga kalaban sa pulitika sa pagdeklara ni VP Sara na tatargetin nito ang pinakamataas na posisyon sa gobyerno sa May 2028 elections.

“Itinaga lamang niya sa bato ang hiling at panawagan ng kanyang mga tagasuporta, kinumpirma rin niya ang takot ng kanyang mga kalaban,” dagdag ni Sen. Imee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *