Matatawag nang akusado si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kaso sa International Criminal Court (ICC) kung nakumpirma na ang mga charges laban sa kanya, ayon kay ICC Assistant to Counsel Atty. Kristina Conti.

“Pagkatapos nito [confirmation of charges hearing], at kinonfirm ang charges, at nagbukas ng trial, doon—sa termino ng ICC—masasabing akusado na siya,” paliwanag ni Conti.

Ito ay matapos tanungin si Conti sa isang panayam sa ‘Saksi sa Dobol B’ kung kailan maituturing na “accused” si Digong sa crimes against humanity case na kinahaharap nito sa international tribunal.

“‘Yung Pre-Trial Chamber na kaharap natin, mapapalitan ‘yan, mapupunta tayo sa Trial Chamber. ‘Yon, pagbubukas ng kaso at pagkilala sa isang tao akusado,” sinabi ni Conti ngayong Lunes, Pebrero 16.

Samantala, ipinaliwanag niya rin na “step by the step” umano ang ginagawa ng ICC sa kaso ni Digong, “itong ICC, iba ang proseso tapos talagang makuti, ngayon sinasabi na may crimes against humanity na committed, ang tanong ay—ano’ng extent?”

“Ano ang mga insidente? Ano’ng counts? So ‘yun ‘yung nililinaw… ‘Yun pa ang pinipisil natin, kung maaprubahan ‘yan, bago tayo tumuntong ng trial,” aniya.

Ulat ni Jilliane Libunao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *