Inihayag ni Sen. Bam Aquino na “ideally” ay dapat gawin sa Pilipinas ang mga paglilitis sa mga kaso kaugnay sa extrajudicial killings (EJK) sa war on drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“‘Yung mga nangyaring pagpatay ho sa ating bansa… eh dapat po ‘yung mga trial po niyan, ideally, ay dapat dito po talaga sa Pilipinas kasi ‘yung mga biktima po ay nandito rin po sa Pilipinas,” sabi ni Aquino.

Aniya, ito ay dahil ang mga biktima ay nasa Pilipinas kung kaya’t sa bansa rin dapat gagawin ang mga paglilitis.

“At siguro po ‘yung hustisya sa mga bagay na nangyari dito, maganda rin pong mangyari dito ‘yung paghahanap ng hustisya,” paliwanag ni Aquino sa isang panayam sa programang ‘Balitanghali’ nitong Martes, Pebrero 17.

“Pero syempre po, nirerespeto natin ‘yung proseso ng nangyayari po sa ICC doon po sa ibang bansa,” paglilinaw naman ng senador.

Ulat ni Jilliane Libunao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *