Inihayag ng Philippine Bar Association (PBA) ang kanilang kahandaan na mag-organisa para sa debate nina Senator Rodante Marcoleta at retired Supreme Court (SC) senior associate justice Antonio Carpio kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea (WPS).
“We recognize that the matters concerning the West Philippine Sea carry significant implications. A structured debate—grounded in facts, law, and civility—would meaningfully contribute to national discourse,” saad ng Philippine Bar Association.
Ayon sa grupo, layunin nilang makatulong para mas maintindihan ng publiko ang mga legal at konstitusyonal na usapin sa bansa, lalo na ang tungkol sa arbitral ruling at karapatan ng Pilipinas sa mga nasasakupang teritoryo nito.
Nangako rin ang asosasyon na maglalaan sila ng isang ligtas na venue na may mga propesyunal na moderator, at may malinaw na panuntunan sa oras, habang magkakaroon din ng livestreaming at bukas na access para sa media at sa publiko.
Ulat ni Julian Katrina Bartolome
