Nababahala si Sen. JV Ejercito hinggil sa negatibong implikasyon sa Pilipinas kaugnay sa posibilidad na matuloy ang impeachment nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

“Kung matutuloy nga ‘yung impeachment ng dalawa (PBBM, VP Sara), then that would really paint a bad picture of us internationally, that will paint political instability,” pahayag ni Ejercito.

Magpapahiwatig din umano ito ng political instability sa bansa gayung nailantad ang umano’y katiwalian sa gobyerno, bunsod ng multi-bilyong pisong flood control scam, ayon kay Ejercito.

“So nothing positive to look forward to,” ani Ejercito sa isang Zoom interview ngayong Biyernes, Enero 23.

Para sa senador, dapat may maipakitang maganda rin ang gobyerno sa mundo sa gitna ng mga isyung kinahaharap nito.

“Okay lang ‘yun – accountability, ‘yung mga salarin at may mga kasalanan kailangan talaga nating panagutin, i-show cause order, pero kailangan may i-showcase din tayo. We have to show the world that we are still doing something positive for the country,” paliwanag niya.

Ulat ni Jilliane Libunao