Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa press conference ngayong Huwebes, Enero 22, na nag-surrender na ang negosyante na si Charlie ‘Atong’ Ang ng limang firearms.
“Nag-surrender na siya ng five out of six ng kanyang firearms. ‘Yung isa daw ay missing…But despite the surrender of his firearms, we still consider him armed and dangerous,” saad ni Remulla.
Subalit, lima sa anim na armas niya lamang ang nai-surrender ng kanyang abogado dahil ang isa umano ay nawawala.
Ayon kay Remulla, bagamat nag-surrender na ng armas si Ang ay ikinokonsidera pa rin siyang “armed and dangerous” dahil 20 ang kanyang bodyguard at posibleng armado ang mga ito.
Kasalukuyang hinahanap ng mga awtoridad si Ang matapos maisyuhan ng arrest warrant ng Sta. Cruz, Laguna Regional Trial Court (RTC) dahil sa kasong kidnapping with homicide kaugnay ng mga nawawalang sabungero.
Ulat ni Ansherina Baes
