Isang dokumento mula sa Philippine National Police (PNP) ang kumakalat ngayong Miyerkules, Enero 21 sa social media kung saan nakasaad na inaprubahan na ng National Police Commission (Napolcom) ang optional retirement na isinumite ni dating PNP chief Gen. Nicolas Torre III ng optional retirement sa serbisyo noong Disyembre 26, 2025.
Si Torre ay orihinal na nakatakdang magretiro sa serbisyo sa March 11, 2026 sa pagsapit ng kanyang ika-56 kaarawan na siya ring mandatory age for retirement sa PNP base sa nakaad sa Section 39 of Republic Act 6975, or the Department of the Interior and Local Government (DILG) Act.
Kasunod nito, inaasahan nang mapo-promote sa four-star rank na police general si Acting PNP Chief LGen. Jose Melencio Nartatez Jr.
Si Torre ay kasalukuyang nakapuwesto bilang general manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasunod ng kanyang pagkakasibak bilang PNP chief noong Agosto ng nakaraang taon.
Ulat ni Jilliane Libunao
