Mayroon umanong “bribe try” na natanggap si DILG Sec. Jonvic Remulla, ayon sa ulat ni Amy Pamintuan ng The Philippine Star.

Ayon kay Amy Pamintuan, editor-in-chief (EIC) ng The Philippine Star, sa Storycon ng One News PH nitong Martes, Enero 13, mayroong nagtangka diumano na mag-abot ng P1 bilyon kay Remulla.

Ito umano ay suhol upang itigil na nila ang imbestigasyon sa flood control scam.

Nang tanungin naman ni Ronald Llamas kung sino ang namimigay ng ganoong kalaking halaga ng pera ay sinabi ni Pamintuan na wala umanong sinabi si Remulla.

Ulat ni Ansherina Baes