Inihayag ni Executive Secretary Ralph Recto sa press briefing ngayong Lunes, Enero 5, na mayroon umanong general provision sa pinirmahang 2026 General Appropriations Act (GAA) na nagbabawal sa politiko sa pagpapatupad ng mga social services.
“There is a general provision in the budget na bawal ‘yung mga politiko during the actual disbursement or actual na pamimigay nito sa mga kababayan natin,” saad ni Recto.
Ito ay matapos siyang tanungin kung ano ang gagawin ng pamahalaan upang maiwasan ang pamumulitika o pagiging patronage politics ng mga social services programs tulad ng pamimigay ng medical assistance.
Naniniwala rin si Recto na “pork-barrel free” ang national budget ngayong taon dahil ang pag-execute nito ay “purely executive function” at hindi na maaaring makialam ang ibang mambabatas dito.
“Sa tingin namin pork-barrel free dahil hindi naman pwedeng makialam ang legislator pagdating ng executing the budget at purely executive function na ‘yan pagdating ng execution ng budget,” aniya.
Ulat ni Ansherina Baes
