Iginiit ni Mamamayang Liberal (ML) Rep. Leila de na kailangan umanong busisiin ng anumang “appropriate body” ang affidavit ni Ramil Madriaga, kaugnay sa mga alegasyon nito laban kay Vice President Sara Duterte.

“That’s the most that can be done at this point; the appropriate body, whether it’s the DOJ, NBI, or Ombudsman, tingnan nila. Busisiin nila itong mga akusasyon na ito, kasi seryosong mga akusasyon ito,” sabi ni Lima.

Sinabi ni De Lima na “napakabigat” umano ng mga alegasyon ni Madriaga, ang nagpakilalang diumano’y dating “bagman” at chief security ni VP Sara.

“Ang gusto ko rin sabihin dito ay since seryoso itong mga alegasyon na ito, then it is worth looking into, for example, by the Office of the Ombudsman,” wika ng kongresista sa isang forum nitong Sabado, Disyembre 13.

Ulat ni Jilliane Libunao