Naniniwala si Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice na posible umano na hindi maging “truly independent” ang Ombudsman sa pag-iimbestiga sa flood control scam lalo na ngayon na “kumakatok” na sa Malacañang ang mga alegasyon kaugnay rito.

“(Kapag) sa Ombudsman natin iaasa ito, dadaan ito sa mga preliminary investigation na napakatagal…baka hindi maging truly independent (ang Ombudsman),” saad ni Erice.

Ani Erice, isa sa mga dahilan ay ang pagkaka-appoint kay dating Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla bilang bagong Ombudsman na diumano’y “ipinilit talaga ng ating Pangulo.”

Idinagdag pa ni Erice na ang mga imbestigador ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na binuo ng Malacañang, ay mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na siya namang nasa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na pinamumunuan ni Sec. Jonvic Remulla.

“So, the Remullas are in control of the investigation kung wala na ang ICI,” saad ni Erice.

Ulat ni Ansherina Baes