Nagsalita na ang overseas Filipino worker (OFW), na dating driver ni former Ako Bicol congressman Zaldy Co sa Paris, matapos madawit ang pangalan huli sa isyu ng katiwalian.
Inamin sa Sarabia sa esklusibong panayam ni Rose Eclarinal ng DZMM Teleradyo noong Biyernes, Disyembre 5, na nanilbihan umano siya bilang driver n Co sa Paris noong 2023.
Itinanggi naman niya ang mga akusasyon na hanggang ngayon ay nagseserbisyo pa rin siya kay Co at sinabing noong Hulyo pa siya tumigil sa pagiging driver nito.
Hindi na umano siya naging driver ng dating kongresista sa Portugal, at hindi rin niya alam kung totoong mayroong private plane si Co na matatagpuan diumano sa Le Bourget, Paris, France.
Nilinaw rin ni Sarabia na lahat ng naipundar niya ay mula sa pagsisikap niya at ng kanyang pamilya sa loob ng mahigit 30 taon sa nasabing bansa.
Ulat ni Ansherina Baes
