Iginiit ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na dapat isapubliko ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang database ng mga personalidad na nasa likod ng proyekto sa National Expenditure Program (NEP) bilang pagtalima sa transparency at reporma sa ahensya.

“There were ₱721.83 Billion insertions for 2025 and ₱496.97 Billion insertions for 2026, and I cannot in good conscience watch DPWH claim to be for transparency without pointing this out,” sabi ni Leviste.

Sa kanyang pahayag nitong Huwebes, Nobyembre 26, sinabi ni Rep. Leviste na mayroon umanong higit P721 bilyon na “insertions” para sa 2025 at P496 bilyon para sa 2026 na hindi pa rin inilalantad ng DPWH.

Ayon pa kay Rep. Leviste, maaaring nag-aatubili ang ahensya na ibunyag ang kumpletong talaan dahil nakapaloob dito ang mga proyektong inirekomenda hindi lamang ng mga mambabatas sa Kamara at Senado, kundi pati ng mga opisyal ng mismong administrasyon.

“Sa susunod na presscon ng DPWH, maaari nilang aminin na meron silang itinatago at kargado ang NEP ng insertions hanggang ngayon,” sabi ng kongresista.

Ulat ni Julian Katrina Bartolome