Posibleng maglabas ng arrest warrant laban kina Senators Francis “Chiz” Escudero, Jinggoy Estrada, at Joel Villanueva dahil sa pagkakadawit ng mga ito sa maanomalyang flood control projects, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla nitong Linggo, Nobyembre 16.

“Magkaka-warrant na ‘yan by December 15,” saad ni Remulla, kaugnay ng mga nasasangkot sa isyu ng korapsyon sa flood control projects.

Ayon kay Remulla, ilan pa sa mga posibleng makasuhan ay sina former senators Nancy Binay, Bong Revilla; at dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co na umano’y tumanggap ng porsyento sa mga maanomalyang proyekto.

Ibinunyag din ni Remulla na maaaring sampahan ng kaso ang negosyanteng si Maynard Ngu, na sinasabing sangkot sa project insertions kung saan nakinabang umano si Sen. Escudero.

“Marami pa, may mga congressman kami…dine-develop pa namin ‘yung mga theory kasi nga ito conflict of interest… ‘Pag nahanapan namin ng malversation ‘yan non-bailable rin,” saad pa ni Remulla sa programang “Facts First Tonight” nitong Linggo, Nobyembre 16.

“‘Wag lang silang magtago. Binabantayan na namin sila… tumitiktik na kami ngayon,” dagdag pa niya.

Ulat ni Bea Tanierla