Ibinahagi ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson sa kanyang X (dating Twitter) post na sakaling mauupo siyang muli bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee sa darating na Nobyembre 10 ay magre-resume agad ang pagdinig ng komite sa Nobyembre 14.
“If elected again as Blue Ribbon chairman on Nov 10, our hearing will resume on Nov 14… We will invite among others, a ‘very important witness’ and retired TSgt Orly Guteza to shed more light on his ‘sinumpaang salaysay,’” sabi ni Lacson.
Aniya, “to help speed up the filing of airtight cases against some politicians, DPWH officials and errant contractors,” iimbitahan ng komite ang isang diumano’y “very important witness” pati ang retired marine soldier na si Orly Guteza.
Ayon kay Lacson, iimbitahan ng komite si Guteza upang maipaliwanag ang kanyang sinumpaang salaysay na una niyang binasa matapos siyang imbitahan sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee bilang ‘surprise witness’ noong Setyembre 25, 2025.
Ulat ni Jilliane Libunao
