Iginiit ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro na kailangang linisin muna ang “five pillars of justice system” ng Pilipinas dahil baka magamit umano ang death penalty sa korapsyon.
“Dapat linisin lahat, ‘yung five pillars of justice system… lahat malinis, idealistic, para puwede ang death penalty, otherwise baka magamit din ‘yan sa corruption,” saad ni Castro.
“As a lawyer, personal ko ‘to, since nagta-trial tayo… dati oo, ‘pag sobra kang idealistic ‘yes, go, go for the death penalty’ pero since ako mismo trial lawyer, alam ko na may napaplantahan ng ebidensya, especially sa drvgs,” giit ni Castro sa isang panayam sa ‘Arangkada Balita’ noong Miyerkules, Oktubre 22.
“Kung maaalala ninyo may isang video ang dating Pangulong Duterte, siya mismo ang umamin, eksperto siya d’yan. Alam na niya kung papa’no gumawa ng intriga at magplanta ng ebidensya. So ang hirap ng ganu’n,” dagdag pa niya.
Inilahad niya rin ang posibilidad na inosente ang inaakusahan pero ito ay naplantahan ng ebidensya, “paplantahan ka para pagkakitaan dahil alam nila death penalty crime na ipapataw sa’yo.”
Ulat ni Jilliane Libunao
