Inihayag ni Department of Justice (DOJ) spokesperson Atty. Polo Martinez sa press conference noong Huwebes, Oktubre 23, na na-deputize na umano sila ng Office of the Ombudsman para magsagawa ng preliminary investigation sa limang kasong inihain sa tanggapan.
“Na-deputize po niya ang kagawaran ng katarungan na to conduct a preliminary investigation on the five cases that were filed with the Ombudsman,” saad ni Martinez.
Kaugnay ito sa limang ‘ghost’ projects na hindi pa umano maaaring sabihin “as not to preempt the procedure.”
Sinabi naman ni Martinez na susuriin nila ang mga ebidensyang makakalap sa imbestigasyon upang makita kung sapat na ito para magkaroon ng paglilitis.
Sisikapin din umano ng DOJ na tapusin ang imbestigasyon sa limang ‘ghost’ projects sa loob ng isang buwan.
Ulat ni Ansherina Baes
