Inihayag ni Department of Justice (DOJ) spokesperson Atty. Polo Martinez nitong Martes, Oktubre 21, na nasa 887 human bones ang kanilang narekober sa Taal Lake sa gitna ng patuloy na paghahanap sa mga nawawalang sabungero.

“The total number of bones recovered and submitted for examination is at the number 981. This includes 3 sets of human remains from the cemetery, consisting of 264 bones,” saad ni Martinez.

Aniya, narekober ang mga ito sa 35 mula sa 60 operations simula Hulyo 10 hanggang Oktubre 12, at nasa 981 na umano ang buto na kanilang nakuha at sinusuri.

Samantala, sinabi ni Martinez na wala pang positibong resulta mula sa DNA analysis sa mga nakuhang buto.

Matatandaan na sinimulan ang paghahanap sa mga missing sabungeros sa Taal Lake matapos ibunyag ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan na nasa mahigit 100 sabungero umano ang dinakip, pinatay, at itinapon sa naturang lawa sa Batangas.

Ulat ni Ansherina Baes