Ipinagtanggol ni Atty. Nicholas Kaufman, abogado ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kaso sa International Criminal Court (ICC), si Vice President Sara Duterte sa pahayag nito tungkol sa “jailbreak” ng 80-anyos na ama mula sa ICC detention facility sa the Hague, Netherlands.
“Some of the statements that were made by the vice president were clearly made in jest. There was this comment about organizing a jailbreak… everybody who hears that knows that it was a joke,” pagdepensa ni Kaufman para kay VP Sara.
Ito ay makaraang tukuyin ng ICC Trial Chamber, sa desisyon nitong tanggihan ang apelang interim release para sa dating presidente, ang nasabing pahayag ni VP Sara noong Hulyo tungkol sa pagpapatakas umano sa ama mula sa piitan.
“There was this comment about organizing a jailbreak and I have to laugh at that quite frankly. Everybody who hears that knows it was a joke,” sabi ni Kaufman.
“No one can really seriously believe that the vice president of a sovereign nation would organize a jailbreak from a place like this,” dagdag pa ni Kaufman, tinukoy ang ICC detention facility sa Hague.
Bukod dito, matatandaang paulit-ulit na kinukuwestiyon ng Bise Presidente ang proseso ng ICC sa pag-aresto at pagkulong sa kanyang ama, partikular ang narrative na “kidnapping” ang nangyari nang ibiyahe ito mula sa Pilipinas papuntang Hague noong Marso 11.
Lilitisin ng ICC si Duterte, 80 anyos, sa crimes against humanity kaugnay ng mga naitalang extrajudicial kil!ings sa Davao City noong alkalde pa siya ng lungsod, at sa buong Pilipinas, konektado sa kontrobersiyal niyang war on drugs, noong siya pa ang presidente.
