Nasa 60 porsiyento ng mga Pinoy ang nagsabi na galit ang kanilang nararamdaman hinggil sa isyu ng katiwalian sa mga government projects, partikular sa maanomalyang flood control projects, ayon sa survey ng OCTA Research.
Sa pinakabagong Tugon ng Masa survey ng OCTA Research na isinagawa noong Setyembre 25 hanggang 30, lumabas na 60 porsyento ng mga Pinoy ang nakakaramdam ng galit sa korapsyon sa government projects, 30 porsyento ang natatakot, at siyam na porsyento ang dismayado o nalulungkot dahil dito.
Ipinakita sa survey na ang galit sa korapsyon sa mga government projects ay ang emosyon na naitala sa lahat ng rehiyon, socioeconomic classes, at age groups partikular sa mga Gen Z at millennials.
Ayon sa OCTA Research, ang naitalang “strong emotional response” hinggil sa isyu ay nagpapahiwatig ng “public’s continued frustration over the misuse of public funds in infrastructure programs and may suggest decline confidence in the integrity of public institutions.”
Ito rin ay nagpapahiwatig umano ng “growing demand for accountability, transparency, and decisive government action.”
Sa parehong survey, naitala rin na 83 porsyento ng mga Pinoy ang suportado sa ginawa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ibunyag ang korapsyon sa mga infrastructure projects.
Naitala rin ang limang inaasahan ng publiko na resulta mula sa pagpapatuloy na imbestigasyon sa flood control scam:
Holding corrupt officials and contractors accountable (68 porsyento);
Recovery of lost or misused public funds (58 porsyento);
Imprisonment of those proven guilty (58 porsyento);
Ensuring efficient implementation of quality flood control projects (41 porsyento); at
Strengthening transparency and monitoring of government infrastructure projects (34 porsyento)
Ulat ni Jilliane Libunao
