Iginiit ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na wala umanong batayan sa ilalim ng Konstitusyon para magsagawa ng snap elections.
“Kung walang batas, hindi namin maisasagawa ang ganyang klaseng halalan,” saad ni Garcia.
Ito ay matapos manawagan si Sen. Alan Peter Cayetano na magsagawa ng snap elections bilang isang paraan para manumbalik ang tiwala ng publiko sa gobyerno.
“Sa part ng Comelec, hindi kami makakapag-conduct ng elections o special elections nang walang batas. Kinakailangan may mandato ng batas sapagkat ang katungkulan ni Comelec ay tagapagpatupad ng isang batas sa halalan,” paliwanag ni Garcia noong Lunes, Oktubre 6.
Sinabi niya rin na nakasaad sa 1987 Constitution na mayroong fixed terms sa opisina ang lahat ng mga government officials.
Ulat ni Jilliane Libunao
