Inihayag ni dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na ang pending na lamang umano na arrest warrants sa International Criminal Court (ICC) ay para kina Senators Ronald “Bato” dela Rosa at Christopher Lawrence “Bong” Go.
“Ang pending na lang na warrant na maaaring lumabas ay para kay Bato (Dela Rosa) tsaka kay Bong Go…siguro mga early next year pa,” saad ni Trillanes.
Ayon kay Trillanes, posibleng ilabas ng international tribunal ang mga warrant of arrest para sa dalawang senador sa unang bahagi ng 2026, kung saan papangalanan umano sila bilang principals sa extrajudicial killings (EJKs).
“Kasi silang tatlo ‘yung integral du’n sa operation. Si Digong ‘yung nag-set ng policy, siya ‘yung nag-utos, si Bato ‘yung nag-implement, si Bong Go naman ‘yung paymaster,” paliwanag pa ni Trillanes.
Ulat ni Ansherina Baes
