Kinuwestiyon ni Akbayan Rep. Chel Diokno sa budget briefing ng proposed 2026 budget ng DOH kung bakit 200 mula sa 600 na health centers lamang ang pinakikinabangang ng mga mamamayan sa buong bansa.

Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), 200 mula sa 600 health centers lang ang gumagana sa buong bansa sa kabila ng P400 bilyong inilaan ng ahensya sa mga local government units para sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP).

Kinuwestiyon naman ito ni Diokno at sinabing: “Yun po ba ang dahilan kung bakit itinuring ni Secretary Herbosa na yung HFEP ang ‘flood control’ version ng DOH?”

Tinutukoy ng kongresista ang unang pahayag ni DOH Secretary Teodoro Herbosa kung saan ikinumpara niya ang Health Facilities Enhancement Program (HFEP) sa kontrobersyal na “flood control” projects.

Nang tanungin naman ni Diokno kung ano ang ginawa ng kalihim upang resolbahin ang problemaing ito, ipinaliwanag ni DOH budget sponsor at Bataan 2nd District Rep. Albert S. Garcia na nagbukas ang ahensya ng 55 Bagong Urgent Care and Ambulatory Service (BUCAS) centers sa buong bansa para tugunan ang 400 health centers na hindi gumagana.

“I’m wondering why it’s been seven years since this performance audit report was made, but only now that these control are being strengthened by the Department,” pangamba pa rin ni Diokno.

Ulat ni Julian Katrina Bartolome