Nagpaabot ng tulong ang tanggapan nina Sen. Loren Legarda at kanyang anak na si Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste para sa mga pamilya at Internally Displaced Persons (IDPs) na naapektuhan ng bagyong ‘Opong’ sa Bauan, Batangas.

Sa pangunguna ng lokal na pamahalaan, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at ng General Services Office (GSO) ng Bauan, Batangas, natiyak ang maayos na distribusyon ng food packs at sako-sakong bigas para sa mga higit na nasalanta.

Abut-abot naman ang pasasalamat ng mga residente at mga kumakatawan sa lalawigan kina Rep. Leviste at Sen. Legarda para sa kanilang walang-humpay na suporta at malasakit sa mamamayan.

Ulat ni Julian Katrina Bartolome