Sinabi ng Department of Justice (DOJ) na nagpapakita ng ‘insincerity’ ang ginawang “heart sign” ng kontraktor na si Sarah Discaya sa mga mamamahayag at ang kanyang pahayag na “gandahan ninyo ang memes ko.”
“The heart sign and the remarks of Ms. Sarah Discaya are all taken into account in the assessment and evaluation of the persons involved. It is a sign of insincerity and complacency,” sabi ni DOJ spokesperson Jose Dominic Clavano IV.
Dagdag ng DOJ, nakababahala umano ang tila kampanteng pag-uugali ni Sarah kahit patuloy ang imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects.
Samantala, si Sarah at ang kanyang asawa na si Curlee Discaya ay kabilang sa mga itinuturing na “protected witnesses” at nagsumite na rin ng aplikasyon para maging state witness.
Ulat ni Julian Katrina Bartolome
