Naniniwala si Vice President Sara Duterte na hindi na umano ‘stable’ ang Marcos administration kaugnay sa mga isyu sa maanomalyang flood control projects sa bansa.
“No” ang diretsahang sagot ni VP Sara nang tanungin ng media kung sa tingin niya ay ‘stable’ pa rin ang gobyerno sa gitna ng kontrobersyal na flood control scam.
“Our institutions are clearly abused. They are used for personal gain… and we have already seen the testimony of witnesses about corruption and there is practically nothing happening in our country,” ani VP Sara sa kanyang press conference nitong Lunes, Setyembre 29, matapos ang budget deliberation ng Senate Committee on Finance sa proposed 2026 budget ng Office of the Vice President (OVP).
Iginiit niya na ilang beses niya na umanong sinasabi na tigilan na ang pamumulitika, “tigilan ang pag-una ng pansariling interes kasi walang nangyayari sa ating bansa.”
“Meron ba kayong nakikita at all na project na nakatulong sa ating bayan? Wala,” ani VP Sara.
Ulat ni Jilliane Libunao
