Curious ang pagkakatanong sa X post ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson noong Biyernes, Setyembre 26: Inutusan lang ba ang retiradong Philippine Marines soldier na si Orly Regala Guteza na pirmahan ang “prepared affidavit” na binasa nito sa Blue Ribbon hearing nitong Huwebes, Setyembre 25.

“Was he (retired M/Sgt. Orly Guteza) just made to sign a prepared affidavit that he read during the committee hearing, and by whom?” saad ni Lacson.

Para kay Lacson, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, makakatulong ang Manila Regional Trial Court (RTC) upang mailantad ang “mystery” sa likod ng tinawag niyang “(in)famous” affidavit ni Guteza—na ang pagiging lehitimo ay pinabulaanan ng mismong abogado na nakapirma at umano’y nagnotaryo rito.

“The Manila RTC can help unravel the mystery behind the now (in)famous Guteza affidavit since part of the executive judge’s function is to investigate violations relating to notarized documents within its jurisdiction,” paliwanag ni Lacson.

Una nang sinabi ni Lacson na ang paglantad ni Guteza sa pagdinig, sa pamamagitan ni Sen. Rodante Marcoleta, ay “without the courtesy of notice even to the committee chairman” at lumalabas na isang “totally surprise witness” sa pagdinig.

Dahil dito, nagsasagawa na umani si Lacson ng “complete record check and background investigation” kay Guteza dahil sa mga seryosong testimonyang inihayag nito sa pagdinig laban kina Ako Bicol Rep. Zaldy Co at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez.