Ito ang banat ni Atty. Jesus Falcis kaugnay sa hindi pagsipot ni Orly Regala Guteza, ang dati umanong security consultant ni Rep. Zaldy Co, sa kanyang appointment sa Department of Justice (DOJ) noong Biyernes, Setyembre 26.

“Orly Guteza: “Boss, pinapapunta ako sa DOJ. Pupunta ba ako?” (meanwhile) DDS Boss: “‘Wag na, hinayupak ka. Hindi ka marunong umarte at magbasa ng script. Baka mabuko pa tayo!” saad ni Falcis sa kanyang post.

Ani Falcis, posibleng may ‘DDS Boss’ si Guteza bilang kanyang tagapayo, na maaari umanong nagbigay sa kanya ng direktiba o payo hinggil sa nasabing DOJ appointment.

“Script reading failed,” komento naman ng isang netizen.

Samantala, sinabi ng DOJ na iniimbestigahan na rin ang reklamo ni Atty. Petchie Rose Espera na peke at hindi siya ang nag-notaryo ng sinumpaang salaysay ni Guteza sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kamakailan.

Ulat ni Julian Katrina Bartolome